PANANAMPALATAYANG GUMAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAG-IBIG
Galatians 5:6; 13
Walang panlabas na pribilehiyo sa Panginoong Hesu-Kristo. Maaaring makapagyabang ang mga Hudyo dahil sa mga tuli sila, ang palatandaan ng covenant o testamento o katibayan o pangako ng Diyos sa kanila. Maaari namang makapagyabang ang mga Hentil na kahit na hindi sila tuli ay may pases na silang makapasok sa Kaharian ng Diyos nang malaya sa Batas ng mga Hudyo o Jewish Law. Wala nang ibang mahalagang kakailanganin pa para pumasok sa langit, maliban sa kung ano lang ang sinasabi sa Galatians 6:15 patungkol sa pagiging isang bagong nilalang, kung saan ang mga luma o dati nang mga bagay ay nakalipas na, at ang lahat ay naging bago na. O kaya naman, gaya ng nasa teksto natin, bilang paglalarawan ng buhay ng bagong tao o nilalang na iyon, na pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig, na nagtutulak sa ating sa pagmamahal ay mangaglingkuran sa isa’t-isa!
Anong isang ganap na pagsasalarawan ng isang bagong buhay! Una, ay meron kayong isang pananampalataya, bilang ang ugat, na nakatanim at naka-ugat kay Kristo-Hesus. Pagkatapos ay pangalawa, bilang layunin niyon, meron kayong mga trabaho, bilang ang bunga. At pagkatapos, sa pagitan ng mga iyon...’nung ugat at bunga, bilang ang puno, na lumalaki pababa sa ugat at nagbubungang paitaas, meron kayong pag-ibig, na merong dagtang nagbibigay-buhay na dumadaloy mula sa ugat tungo sa mga dulo ng sanga na sa pamamagitan niyo’y nagbubunga! Hindi na natin kinakailangan pang talakaying mas malalim ang pananampalataya dito. Kasi, nakita na natin kung papaanong ang paniniwala at pananampalataya kay Kristo-Hesus ang gumagawa ng mga mas malalaki at mas mahihirap na mga trabaho; kung papaanong ang paniniwala sa bagong paglalang, at sa pagtratrabaho ng Diyos ng trabaho Niya sa atin, ang sekreto ng lahat ng mga trabaho. Hindi na rin natin kinakalangan pang talakayin ang patungkol sa mga trabaho, kasi ang layunin sa seryeng ito ay ang masegurong mailalagay ang mga trabahong iyon sa bawat puso at buhay na meron sila sa puso ng Diyos at sa mga Banal Na Mga Salita Niya.
Ang dapat nating masusing pag-aralan ngayon ay ang dakilang katotohanang ang lahat ng mga trabaho ay maging pag-ibig, na hindi magagampanan ng pananampalataya ang trabaho niya kundi nang sa pamamagitan ng pag-ibig, na walang trabahong makapagkakaroon ng halaga o importansiya kundi iyon nagmumula nang sa pag-ibig, at, na ang pag-ibig lang ang siyang tanging sapat na kalakasan para sa lahat ng mga trabahong kinakailangan nating gawin!
Ang kapangyarihan para sa pagtratrabaho ay pag-ibig. Pag-ibig lang ang siyang tanging nagpakilos sa Diyos na magtrabaho sa paglalalang at pagliligtas. Pag-ibig ang siyang tanging nagbigay-kakayahan sa Panginoong Hesu-Kristo bilang Tao para magtrabaho at magdusa gaya ng ginawa Niya. Pag-ibig lang ang siyang tanging makakapag-inspira sa ating kapangyarihan ng isang self-sacrifice o pansariling-sakripisyo na hindi hinahanap ang para sa sarili lang niya kundi ang kahandaang mabuhay at mamatay para sa iba. Pag-ibig ang siyang tanging nagbibigay sa atin ng pagtitiyagang hindi naiiinip. Pag-ibig ang siyang tanging umuunawa at nagbibigay ng kalakasan sa mga nawawalan na ng loob at pag-asa. Para sa mga sarili natin at para sa mga pinagtratrabahuhan natin, ang pag-ibig ang tanging kapangyarihan para magtrabaho. Umibig tayo gaya ng pag-ibig ni Kristo sa atin!
Ang kapangyarihan para sa pag-ibig ay pananampalataya. Nag-uugat ang buhay ng pananampalataya sa buhay ng Panginoong Hesu-Kristo, na puno ng pag-ibig. Alam ng pananampalataya, kahit na hindi natin ganap na makilala, ang napakagandang kaloob o regalong naibigay sa mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritong ikinakalat sa buong mundo ang pag-ibig ng Diyos. Ang bukal sa lupa ay maaaring madalas na nakatago o pinipigil. Hanggang sa iyo’y buksan, hindi makakadaloy ang fountain o bukal ng tubig palabas. Alam ng pananampalataya na merong isang bukal ng pag-ibig sa pagkatao natin na makakadaloy tungo sa buhay na walang-hanggan, na makakadaloy papalabas na gaya ng rivers of living waters. Sineseguro tayo niyon na makaka-ibig tayo, na meron tayong isang banal na kapangyarihang umibig na nasasa-pagkatao natin, bilang isang hindi makakailang kaloob para sa bago nating pagkatao o pagiging bagong tao!
Ang kapangyarihang maisagawa at maipakita ang pag-ibig ay trabaho o gawa. Walang kapangyarihang nasa isip lang...nangyayari lang iyon kapag at habang iyon ay isinasagawa...There is no such thing as power in the abstract! It only acts as it is exercised! Power in repose cannot be found or felt! Ang kapangyarihang natutulog ay hindi makikita at hindi mararamdaman! Totoong-totoo ito sa mga kahabagang-Kristiyano o Christian graces, na mga nakatago sa kalagitnaan ng kahinaan ng likas na kalagayan natin. Sa pagtratrabaho lang natin malalaman nating meron pala tayong pag-ibig! Ang isang kahabagan ay dapat na inilalagay sa gawa o isinasagawa dahil kung hindi ay hindi tayo makakapagsaya o hindi tayo makakapagkaroon ng kasiyahan sa pagkakaroon niyon. Ito ang hindi mailagay sa salita o masabing pagpapala ng pagtratrabaho para sa Diyos, na gumagawa doong isang pangangailangan sa isang malusog na buhay-Kristiyano na gumigising at nagpapalakas sa pag-ibig at nakakagawa sa ating mga partakers o mga nagpapasasa ng kaligayahan niyon.
Pananampalatayang gumagawa nang dahil sa pag-ibig o pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig--sa Panginoong Hesu-Kristo, wala nang meron kundi ito! Mga nagtratrabaho para sa Diyos, paniwalaan at panampalatayanan ninyo ito! Isagawa ninyo! Pasalamatan ninyong marami ang Diyos para sa bukal ng walang hanggang pag-ibig na binuksan sa katauhan ninyo! Manalangin kayo nang mataimtim at napakadalas na nawa’y palakasin kayo ng Diyos ng napakalakas sa pamamagitan ng kalakasan at kapangyarihan ng Banal na Espirito Niya sa katauhan ninyo, para, nang si Kristo’y nananahan sa inyo, maging naka-ugat at nakatanim kayo nang napakalalim sa pag-ibig. At ipamuhay ninyo ngayon ang pang araw-araw na buhay ninyo, sa mga tahanan ninyo, sa lahat ng mga pakikisalamuha ninyo sa mga tao, sa mga trabaho at pinagtratrabahuhan ninyo, sa mga eskuwelahan ninyo, bilang isang buhay ng Banal na pag-ibig! Ang mga pamamaraan ng pag-ibig ay napaka-gentle o napaka-hinahon at maka-langit, na maaaring hindi ninyo agad maramdaman at matunan kaagad nang sa isang karanasan lang iyon. Pero maging of good courage kayo...huwag kayong manghina! Maniwala at manampalataya lang kayo sa kapangyarihang gumagalaw at nagtratrabaho sa inyo, at isuko ninyo ang mga sarili ninyo sa paggalaw at pagtratrabaho ng pag-ibig, at siguradong-siguradong matatamo ninyo ang tagumpay!
Ang pananampalatayang nagtratrabaho sa pamamagitan ng pag-ibig---kay Kristo-Hesus, wala nang meron kundi ito. Hayaan ninyong maisiksik ko sa mga utak ninyo ang mensaheng ito, pati na doon sa mga hindi pa kailanman o nag-uumpisa pa lang na maka-isip na magtrabaho para sa Panginoong Diyos. Makinig kayong mabuti at matama!
Utang ninyo ang lahat-lahat sa pag-ibig ng Diyos! Ang kaligtasang natanggap ninyo ay pag-ibig na lahat! Ang tanging nasa ng Diyos ay ang mapuno Niya kayo ng pag-ibig Niya. Para sa sarili Niyang kasiyahan, para sa inyong kaligayahan, para sa pagliligtas ng mga tao. Ngayon, tatanungin ko kayo, HINDI BA NINYO TATANGGAPIN ANG NAPAKAGANDA AT NAPAKADAKILANG ALOK NA ITO NA MAGING PUSPOS NA PUSPOS AT PUNONG-PUNO NG PAG-IBIG NIYA? Oh, lumapit kayo ngayon at ibigay na ninyo nang buong-buo ang buhay at puso ninyo sa kaligayahan at kasiyahan at paglilingkod ng pag-ibig Niya. Paniwalaan ninyong ang bukal ng pag-ibig ay nasasa-inyo...magsisimulang dumaloy iyon habang nagbubukas kayo ng madadaluyan niyon sa pamamagitan ng mga gawain o trabaho ng pag-ibig. Anumang trabaho para sa Diyos ang susubukan ninyong gawin, pagsumikapan at hanapan ninyong malagyan ng pag-ibig iyon. Manalangin kayo para sa isang espirito ng pag-ibig. Ibigay ninyo ang mga sarili ninyong mamuhay ng isang buhay ng pag-ibig...na isipin ninyo kung papaano ninyo maiibig at mamamahal ang mga nasa paligid ninyo, sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila, sa paglilingkod sa kanila, sa pagsisikap para sa mga kapakanan nila, mapa sa ispirituwal o temporal man. “FAITH WORKING BY LOVE IN CHRIST-JESUS, THIS ALONE AVAILETH MUCH!” (May karugtong)

No comments:
Post a Comment