Friday, March 19, 2010

Devotional Series @Lenten Season: PAGGAWA PARA SA DIYOS (Part A)






Blogger's Note: As Lenten is fast-approaching, I would like to feature a series of Tagalog Devotionals here in my Blog, authored by fellow Christian journalist Bro. Dave Chavarria. All for His glory!




MAGTRABAHO KA, DAHIL TRUMATRABAHO ANG DIYOS SA IYO!
Philippians 2:12-13

Nakilala na natin kung ano talaga ang kaligtasan, na iyo’y ang pagiging sariling lalang tayo ng Diyos, na nilalang Niya tayo kay Kristo-Hesus para sa mabubuting mga gawa. Nagtapos tayo noong nakaraan sa hamong, bilang isa sa pinakang kinakailangang elemento niyon, lahat ng mga nakatalagang mga mabubuting mga gawang inihanda na ng Diyos bago pa man tayo ipinanganak, ay dapat nating lakaran! Sa kaisipang iyon, makikita at maliwanag na mauunawaan natin ang totoo at buong kahulugan ng teksto natin. Trabahuhin ninyo ang sarili ninyong kaligtasan, nang naaayon sa gustong mangyari ng Diyos...isang paglakad sa lahat ng mga mabubuting mga gawa na inihanda Niya para sa inyo! Pag-aralan ninyong mabuti para malaman ninyo kung ano talaga ang kaligtasang inihanda ng Diyos para sa inyo, lahat ng mga ibig Niyang mangyari at ginawa Niyang posible para maligtas kayo, at trabahuhin ninyo iyon nang may pagkatakot at panginginig o fear and trembling. Hayaan ninyong ang kadakilaan o greatness nitong Divine o maka-Diyos at pinakabanal na buhay, na nakatago kay Kristo, ang sarili ninyong impotence o kawalan ng kakayahan, at ng mga teribleng panganib at tuksong mga nakaharap at kakaharapin ninyo, ang magpatrabaho sa inyo nang may pagkatakot at panginginig.

Pero, ang pagkatakot namang iyon ay hindi dapat na maging dahil sa unbelief o pagkawala nang pananampalataya at paniniwala, ni ang panginginig nama’y nang dahil sa panghihina o discouragement, DAHIL, ang Diyos ang Siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban! Naririto ang sekreto ng isang kapangyarihang sapat na sapat para sa lahat ng mga trabahong gagawin natin, pati na rin ang sekreto ng perpektong kaseguruhan at pag-asa o perfect assurance na magagawa natin ang lahat ng mga tunay na gusto ng Diyos na gawin natin. Nagtratrabaho ang Diyos sa atin, “both to will and to work”... “nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban”! Una, “to will” o “magnasa”: Nagbibigay Siya sa inyo ng insight, o nagtatanim Siya sa isip ninyo ng mga bagay-bagay sa mga kung ano-ano ang kinakailangang mga gawin, mga pagnanasang nagpapatrabaho nang may ibayong kasiyahan, hindi matitinag na layunin ng pagnanasang magtrabaho na nagpapagalaw sa katauhan natin at pinapaginghanda iyon at sabik na sabik na magtrabaho. At pagkatapos ay, “to work”, pinapagtrabaho. Hindi Siya nagtratrabaho sa atin para magnasa tayong magtrabaho, at pagkatapos ay iiwan na lang Niya tayo para gawin ang lahat nang sa sarili lang natin. Kasi, maaari ngang nakita ng pagnanasa natin at tinanggap niyon ang trabahong itinanim Niya sa isip natin para gawin, pero kulang naman ang kakayahan natin para makagawa. Sa binagong “will” o pagnanasang nakasulat sa Romans 7, ang tao ay nasisiyahan sa Kautusan o Batas ng Diyos, pero wala naman siyang kakayahang gawin o magampanan iyon, hanggang sinabi sa Romans 8:2-4 na sa pamamagitan ng batas ng Espirito ng Buhay kay Kristo-Hesus, pinalaya na siya sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan, kaya ang unang tanong ay...maaari bang maganap ang katuwiran ng batas sa kanya, bilang isang taong lumalakad at nabubuhay hindi nang naaayon sa laman kundi nang sa Espirito? (READ PASSAGES FROM ROMANS 7 AND ROMANS 8)

Isang napakatinding dahilan ng kabiguan ng mga mananampalataya sa mga trabaho nila para sa Diyos ay dahil sa kapag iniisip nilang merong ibinigay sa kanilang pagnanasa o will ang Diyos, ay iniisip nilang gampanan ang trabahong iyon nang naaayon sa kakayahan ng pagnanasa nilang iyon. Hindi nila kailanman natutuhan ang aral na dahil nilalang tayo ng Diyos kay Kristo-Hesus para sa mga mabubuting gawa, at matagal nang nakahanda ang mga mabubuting mga gagawing iyon sa kapamaraanang dapat nating lakaran, kinakailangang Siya at talagang Siya lang, ang mismong gumawa o magtrabaho ng lahat ng mga iyon sa atin! PUMAPAPEL SILANG DIYOS! Hindi nila kailanman pinakinggan ang tinig na nagsasalita sa kanilang, “ANG DIYOS ANG PATULOY NA GUMAGAWA NG LAHAT SA INYO”!

Naririto sa atin, ang isang pinakamahalaga, pinakamalalim at pinaka-espirituwal sa lahat ng mga katotohanang nakasulat sa Bibliya---ang walang patid at nagpapatuloy na operasyon o pagtratrabaho ng Pinaka-Makapangyarihang Diyos sa puso at buhay nating lahat. Bilang pagkilala sa tunay na nature o kalagayan ng Diyos, bilang isang Spiritual Being o kalikasang-Espiritong hindi nakatigil o namamalagi sa iisang lugar o dako lang, kundi nasasa-lahat ng dako o kahit na saan man, walang makakapagkaroon ng isang espirituwal na buhay kung hindi iyon ina-upheld o sinusuportahan ng personal Niyang indwelling o pamumuspos Niya!

Hindi nang walang napakamalalim na kadahilanang sinasabi ng Bibliya na, nagtratrabaho Siya sa lahat! Hindi lang sa Panginoong Hesu-Kristo ginawa ang lahat ng mga bagay bilang ang Una nila, at sa Kanya bilang ang wakas nila, kundi rin sa pamamagitan Niya, na Siyang tanging nagmementena o humahawak o nangangalaga sa kanila.

Sa Taong si Kristo-Hesus, ang pagtratrabaho ng Diyos-Ama sa Kanya ang siyang pinanggagalingan ng lahat ng mga ginawa Niya. Sa bagong tao, na nilalang na bago kay Kristo-Hesus...tayo iyon, ang walang patid na pag-depende o pag-asa natin sa Ama ang pinakamataas na pribilehiyo natin at tunay na nobility o dignidad natin. Ito ang tunay at totoong fellowship o pakikipag-isa o pakikipag-kaibigan sa Diyos: “ANG DIYOS ANG MISMONG NAGTRATRABAHO O GUMAGAWA SA ATIN PARA MAGNASA AT GUMAWA! GOD HIMSELF IS WORKING IN US TO WILL AND TO DO!”

Pagsumikapan nating pag-aralan ang tunay na sekreto ng paggawa o pagtratrabaho para sa Diyos. Hindi iyon kagaya ng iniisip ng karamihan, na gawin natin ang lahat nang makakaya natin at pagkatapos ay ipasa-Diyos na natin ang ibang hindi natin kaya…we do our best, and then leave God to do the rest! MALI IYON! BY NO MEANS! Dapat ay ganito: na alam nating ang pagtratrabaho ng Diyos ng kaligtasan Niya sa atin ang sekreto ng pagtratrabaho o paggagawa natin niyon…we know that God’s working His salvatin in us is the secret of our working it out! Kasama sa kaligtasang iyon ang bawat trabahong kinakailangan nating trabahuhin o gawin. Ang pananampalataya sa pagtratrabaho ng Diyos sa atin ang sukatan ng kakayahan o kalakasan nating magtrabaho para sa Kanya nang epektibo o matagumpay. Ang mga pangakong, “According to your faith be it unto you”, at “All things are possible to him that believeth”, ay may ganap na mga aplikasyon o mapaggagamitan dito. Mas malalim ang pananampalataya at paniniwala natin sa paggawa o pagtratrabaho ng Diyos sa atin, mas malaya at mas masagana ang pagtratrabaho ng kapangyarihan Niya sa atin, at mas tunay at napakamabunga ang magiging mga kalalabasan ng pagtratrabaho natin!

Hayaan ninyong tanungin ko kayo…lalong-lalo na kayong mga manggagawa ng Panginoon sa ubasan Niya: “Tunay na bang napaniwalaan na ninyong ang tanging kapangyarihan ninyong magawa ang trabaho ng Diyos ay bilang isang taong nilalang kay Kristo-Hesus para sa mabubuting mga gawa, bilang isang taong kung saan nagtratrabaho ang mismong Diyos para magnasa at gumawa? Naisuko na ba ninyo ang mga sarili ninyo na maghintay sa gayong klase ng pagtratrabaho? Nagtratrabaho ba kayo nang dahil sa alam ninyong nagtratrabaho ang Diyos sa inyo? Huwag ninyong sabihing ang mga pananalitang ito ay napakataas. Totoo ngang ang pag-aakay sa mga batang kaluluwa kay Kristo ay napakataas para sa atin, pero kung mamumuhay tayong parang mga batang paslit, sa paniniwalang tratrabahuhin ng Diyos ang lahat sa atin, siguradong-siguradong gagawin natin ang mga trabaho Niya sa Kanyang kapangyarihan. Ipanalangin ninyong napakataimtim na matutuhan at magampanan ninyo ang aral na, sa lahat ng mga gagawin at tratrabahuhin ninyo: “MAGTRABAHO KA, DAHIL TRUMATRABAHO ANG DIYOS SA IYO!”

Sa pagtatapos, una, palagay ko’y nagsisimula na nating maramdaman na ang espirituwal na kamalayan ng dakilang katotohanang, “GOD WORKETH IN YOU”…“PATULOY NA GUMAGAWA ANG DIYOS SA IYO”, ang kung ano ang napakalaking pangangailangan ng lahat ng mga manggagawa!

Pangalawa, gusto kong iwan sa inyong mapagbubulay-bulayan na ang Banal na Espirito ang pinakamatinding kapangyarihan ng Diyos, na nananahan sa mga mananampalataya para sa buhay at para sa pagtratrabaho. Hilingin ninyong napakataimtim sa Diyos na ipakita Niya sa inyo iyon, na sa lahat ng mga paglilingkod natin, ang unang-unang pagsumikapan natin ay dapat ang araw-araw na renewing o pagpapanariwa ng Banal na Espirito!

Pangatlo, tuparin at sundin natin ang utos na mapuno ng Banal na Espirito. Maniwala sa Kanyang indwelling. Maghintay para sa Kanyang pagtuturo. Sumuko sa Kanyang pangunguna. Manalangin para sa makapangyarihan Niyang pagtratrabaho. At mamuhay sa Espirito!

At pang-apat, anong katinding kapangyarihan ng pagtratrabaho ng Diyos na nasasa-atin na kayang-kaya nating magawa! Kaya lang, magbigay-daan tayo sa kapangyarihang iyon na nagtratrabaho sa atin! (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment