Wednesday, November 25, 2009

Devotional Series in Filipino (Day 3 & 4)


Day 3 & 4


TUESDAY: KAPATID, GISING AT MAGTRABAHO KA NA! Matthew 21:28

May isang ama na may dalawang anak. Sa bawat isa sa kanila ay nagbigay siya ng utos na humayo at magtrabaho sa ubasan. Sumunod na humayo ang isa at ang isa ay hindi. Naibigay na ng Diyos ang utos at naibigay na rin Niya pati na ang kapangyarihan at kakayahan sa bawat anak Niya para gumawa sa ubasan Niya. SA ATIN! Pero nakakalungkot na karamihan sa ating mga anak Niya ay hindi gumagawa para sa Kanya at kitang-kitang napakaliwanag na ang mundong ito ay namamatay!

Sa lahat ng mga misteryong pumapalibot sa atin sa mundong ito, merong isang kakaiba at pinakang-hindi ko maintindihan! ANO IYON? – na pagkatapos ng mahigit na dalawang libong taon, ang pinakang-pangalan ng Anak ng Diyos ay hindi pa kilala sa mas malaking bahagi ng tao sa mundo. HINDI KO TALAGA MAINTINDIHAN! BAKIT?

Kunsiderahin ninyo ang ibig kong sabihin dito at kung ano ang kahulugan niyon. Para maibalik na muli ang winasak ng kasalanan, ang Diyos, ang Pinaka-Makapangyarihang Tagapaglikha, ay aktuwal na ipinadala dito sa mundong ito ang Bugtong na Anak Niya para ituro at ipakilala at ipakita sa mga tao ang patungkol sa pag-ibig Niya at dalhin sa kanila ang buhay Niya at kaligtasan! Nang gawin ng Panginoong Hesu-Kristong kabahagi ng kaligtasang iyon ang mga alagad Niya, at ang kaakibat na nadadala niyong hindi malirip na kaligayahan at kasiyahan, IYON AY SA EXPRESS UNDERSTANDING, o USAPANG MARANGAL, na ikakalat nila at ibabahagi o ipagsasabi o ituturo nila iyon sa ibang tao, at MAGING MGA ILAW NG BUONG MUNDO! Sinabi Niya ito sa kanila, para tayo, sa pamamagitan nila, ay maniwala, at TAYO NAMAN, NA MGA NANIWALA SA KANILA, NA MAY KAPAREHO RING KATAWAGAN O ATAS NA GAYA NILA, AY GAWIN DIN NATIN ANG MGA GINAWA NILA. NAGAWA NA BA NINYO IYON? Iniwan ng Panginoong Hesus ang mundong ito nang may tahasang atas na dalhin ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa bawat tao at turuan ang lahat ng mga bansa na ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Niya! Kasabay niyon, ibinigay din Niya ang kaseguruhan na ang lahat ng kapangyarihan para sa trabahong iyon ay nasasa-Kanya, na lalagi din Siyang makakasama ng Kanyang mga lingkod, at sa pamamagitan ng Banal na Espirito Niya ay makakapagsaksi sila para sa Kanya hanggang sa dulo ng mundo. At ano, mga kabagis ko ang nakikita natin sa panahong ito? Matapos ang mahigit na dalawang libong taon, 66.66% o 2/3 pa ng sangkatauhan ang hindi pa nakakarinig at nakakakilala sa pangalan ni Hesus! At doon naman sa natitirang 33.34% o 1/3, ang mahigit pa sa kalahati ng mga iyon ay ignorante pa rin, na para bagang hindi pa sila kailanman nakakarinig!

Kunsiderahin pa ninyo kung ano ang kahulugan nito: Lahat ng mga milyon-milyong namamatay, kahit na pa sa ka-Kristiyanismuhan o mapa sa kamunduhan, ay mayroong isang interes, kahit na katiting na katiting lang, kay Kristo at sa Kaligtasan Niya, at mayroon din silang karapatan sa Kanya! Ang kaligtasan nila’y nakasalalay sa pagkakakilala nila sa Kanya! Mababago Niya ang buhay nila, mula sa isang buhay ng kasalanan at kalungkutan tungo sa isang buhay na may banal na pagsunod at makalangit na kaligayahan! May karapatan si Kristo sa kanilang lahat! Mapapasaya niyon ang puso Niya na lumapit sila sa Kanya para mapagpala Niya sila! PERO, ang mga iyon ay nakadepende sa serbisyo o pagtratrabaho ng mga lingkod Niya, na maging TAGAPAG-UGNAY para mapagkabit Siya at sila! PERO HANGGANG SA NGAYON, NAKAKALUNGKOT…WALA PA RIN SILANG GINAGAWA, SA MGA KUNG ANO-ANO ANG KINAKAILANGANG GAWIN, KUNG ANO-ANO ANG MAGAGAWA AT KUNG ANO-ANO ANG DAPAT NA MAGAWA!

Kunsiderahin din ninyo kung ano din ang kahulugan nito: Isang pagbubukas sa mata at isip natin kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng Iglesya ng Panginoon! NAPAKARAMI SA MGA INAASAHANG MGA MANANAMPALATAYA (ITO’Y MULA DOON SA 33.34% NA SINABI KO KANINA) AY WALANG GINAGAWA SA PAGPAPAKILALA SA PANGINOONG HESU-KRISTO SA MGA KAPWA NILA! SA TANTIYA KO’Y MGA 85% SILA (85% NOONG 33.34%)! Sa mga natitirang 15%, 90% sa kanila ay kaunting-kaunti lang ang nagagawa, at ang kakaunting nagagawang iyon ay halos walang epekto, dahil sa kawalan ng buong pusong debosyon sa kakaunti na nga lang na ginagawa nila, na masasabing parang wala na rin silang nagagawang paglilingkod sa Panginoon. At sa natitirang 10% noong natitirang 15% naman, na buong-buong ibinigay at inilaan ang lahat-lahat ng mga sarili nila sa serbisyo para sa Panginoon, karamihan naman sa kanila’y masyadong abala sa trabahong pang-ospital na pagtuturo at paglilingkod sa mga may sakit at sa mga mahihina sa Iglesya, na ang kalakasang natitira sa kanila para sa agresibong trabaho, at paghayo sa mundo, ay grabe at teribleng nababawasan! KAYA NAMAN, KAHIT NA MAY NATAPOS NANG IBINIGAY NANG KALIGTASAN, AT ISANG MAPAGMAHAL NA TAGAPAGLIGTAS, AT ISANG IGLESYANG IBINUKOD PARA MAKAPAGDALA NG BUHAY AT PAGPAPALA SA MGA TAO, MILYON-MILYON PA RIN ANG PATULOY NA NANGAMAMATAY!

Wala nang mas titindi pang katanungan sa Iglesya at mas mahalaga pa kesa dito: ANO ANG MAGAGAWA PARA GISINGIN KAYONG MGA MANANAMPALATAYA PARA MAGISING KAYO SA KATOTOHANANG MAYROON CALLING O TAWAG SA INYONG MAGTRABAHO PARA SA DIYOS, AT MAIPAKITA SA INYONG PARA MAKAPAG-TRABAHO PARA SA KANYA, AT IALAY AT ILAAN NINYO ANG MGA SARILI NINYO BILANG MGA INSTRUMENTONG MAGAGAMIT NG DIYOS PARA MAGAWA NIYA ANG TRABAHO NIYA, AY ANG KINAKAILANGANG MAGING NUMERO-UNONG LAYON NG BUHAY NINYO?
Ang mga hindi pinapakinggang hinaing na palaging naririnig patungkol sa kawalan ng enthusiasm o interes para magtrabaho para sa kaharian ng Diyos sa bahagi ng mga karamihan sa mga Kristiyano, ang nakakapagparamdam sa atin na kinakailangan na nating kumilos na lahat! Walang tunay na pagbabagong magaganap sa mundong ito hangga’t ang katotohanan ay naipapahayag at natatanggap, na ang Batas ng kaharian ng Diyos ay: NA ANG BAWAT MANANAMPALATAYA AY MAMUHAY LAMANG, AT GANAP NA GANAP, PARA SA PAGLILINGKOD AT PAGTRATRABAHO PARA SA DIYOS!

Hindi iniwan ng amang tumawag sa dalawang anak niya na humayo sa ubasan niya at magtrabaho, ang pagpili, kung gaano kadami o kakaunti ang gagawin nila. Nakatira sila sa bahay niya, sila’y mga anak niya, umasa siya sa kung ano ang maibibigay nila sa kanya…ang oras at kalakasan nila! Umaasa ang Diyos natin sa ating lahat! Hangga’t hindi nauunawaan ng bawat anak ng Diyos na ibigay ang buong puso niya sa interes at trabaho ng Amang nasa langit, hangga’t hindi nauunawaan na ang bawat anak ng Diyos ay dapat na maging isang trabahador o manggagawa para sa Diyos, ang evangelization ng buong mundo ay hindi magaganap! Pakinggan ninyo ngayon, mga kabagis ko ang tinig ng Diyos-Ama na nagsasabi sa inyo ngayong umagang ito, “ANAK, HUMAYO KA AT MAGTRABAHO AT GUMAWA NGAYON NA SA AKING UBASAN!”


WEDNESDAY: ANG BAWAT ISA, AYON SA KANI-KANYANG KAKAYAHAN!
Matthew 25:14

Sa talinghaga o kuwento ng mga talento, makikita natin ang pinaka-dakila at pinakamatinding pagtuturo ng Panginoon natin patungkol sa trabahong ipinagkatiwala at ibinigay Niyang ipinagagawa Niya sa ating mga lingkod Niya. Sinasabi Niya sa ating mga anak Niya ang pagpunta Niya sa langit at pag-iiwan Niya ng trabaho Niya dito sa mundong ito sa pangangalaga ng Iglesya Niya - NATIN; ng pagbibigay Niya ng magagawang trabaho para sa bawat isa sa atin, ano man ang pagkakaiba ang mga kaloob sa atin; ng pag-asa Niyang makuha Niya ulit ang kapital Niya nang may interes nang kinita; ng pagkakabigo noong mga nakatanggap ng kakakunti; at pati na rin kung ano ang sanhi ng teribleng kapabayaang iyon!

Ang sinasabi ng Panginoon sa talinghaga na, “…tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian, at pagkatapos ay lumakad nang maglakbay”, ay literal na kung ano ang ginawa ng Panginoon natin. Umakyat Siya sa langit, na iniwan Niya ang trabaho Niya, kasama na ang lahat ng kayamanan Niya, sa pangangalaga natin na Iglesya Niya. Ang kayamanan Niyang iniwan ay ang walang hanggan Niyang kahabagan o grace, ang mga ispirituwal na mga pagpapala, ang Banal na mga Salita at Espirito Niya, kasama na ang lahat ng kapangyarihan ng buhay Niya sa Trono o Luklukan ng Diyos, --- ang lahat-lahat ng mga iyon ay iniwan Niyang ipinagkatiwala Niya sa ating mga anak at tagasunod Niya, para magamit natin sa pagtupad at pagpapatuloy ng trabaho Niya dito sa mundo. ANG TRABAHONG INUMPISAHAN NIYA, DAPAT NATING IPAGPATULOY HANGGANG BUONG-BUONG MAGANAP! Gaya rin ng isang milyonaryong negosyante na nangibang-bansa, habang ang negosyo niya ay iniwan niya na ipinagpapatuloy ng mga pinagkakatiwalaan niyang mga empleyado, kinuha rin ng Panginoong Hesu-Kristo tayong mga lingkod Niya para maging kasosyo Niya, at ipinagkatiwalang ganap ang trabaho Niya dito sa mundong ito sa ating ganap na pangangalaga. Sa pamamagitan ng kapabayaan natin, babagsak at hindi magtatagumpay iyon; at ang kasipagan naman natin ang magiging daan ng pagyaman Niya! Dito’y nasasa-atin ang tunay na ugat na alituntunin o root principle ng tunay na paglilingkod-Kristiyano; ginawa ni Kristo ang sarili Niyang nakaasa para sa ikakalago at ikakayaman at ikapagtatagumpay ng Kanyang kaharian mula sa katapatang maglingkod at magtrabaho nating mga alagad Niya.

Sabi sa verses 15 – 18 (READ): Bagama’t merong pagkakaiba sa laki o dami ng ibinigay niya, bawat isa’y nakatanggap ng bahagi ng kayamanan ng panginoon nila. Ito’y konektado sa paglilingkod o pagtratrabahong dapat nating ibigay at gawin sa bawat isa sa atin na mababasa nating, “ang pagpapala at kahabagang ibinigay sa bawat isa sa atin nang naaayon o nakabatay sa sukat ng kaloob ng Panginoong Hesu-Kristo”. Ang katotohanang ito, na bawat mananampalataya … walang itinatangi o without exception, ay ibinukod para makibahagi sa trabahong pagsasagip at pagliligtas ng mundo para kay Kristo, NA HALOS NAKAKALIMUTAN AT NAKAKALIGTAAN AT HINDI NA NAGAGAMPANAN! Ang Panginoong Hesu-Kristo ay unang isang Anak, pagkatapos ay isang Alipin o Tagapaglingkod. Bawat isa sa ating mga mananampalataya ay unang isang anak ng Diyos at pagkatapos ay isang alipin o tagapaglingkod. Isang pinakamataas na parangal o onor para sa isang anak ang maging isang tagapaglingkod at maipagkatiwala sa kanya ang trabaho ng ama. Walang trabaho ng Iglesya ang magagampanan nang tama hangga’t hindi nararamdaman ng bawat mananampalataya, NINYO, na ang tanging dahilan ng pagiging nandirito siya sa mundong ito ay ang magtrabaho para sa kaharian ng Diyos! Ang unang-unang katungkulan ng tagapaglingkod sa talinghaga ay ang gamitin nila ang buhay nila sa pag-aalaga ng mga interes o kabuhayan ng kanilang panginoon.

Sinasabi sa verse 19 na (READ): Binabantayan palagi ng Panginoong Hesu-kristo ang trabahong iniwan Niyang gagawin sa mundo. Ang Kaharian at kapurihan at karangalan Niya’y nakadepende doon. Hindi lang Niya susulitin tayong mga pinagkatiwalaan Niya kapag bumalik na Siyang muli para hatulan tayo, walang sawa pa Siyang napapabalik-balik sa kasalukuyan para tanungin at kamustahin tayong mga lingkod Niya patungkol sa ating mga kagalingan at pagtratrabaho o welfare and work. Dumarating Siya para parangalan tayo at palakasin ang loob natin, para itama tayo kung nagkakamali tayo at babalaan na rin. Sa pamamagitan ng Mga Banal Na Salita at Banal na Espirito Niya, sinasabihan Niya tayong sabihin natin kung ginagamit natin ang mga talento natin nang buong kasipagan, at, bilang mga deboto o tapat na mga trabahador Niya, ay namumuhay lamang at ganap na ganap para sa trabaho Niya. Ang mga iilan sa atin ay nasusumpungan Niyang buong sikap na nagpapakahirap na magtrabaho, at sa ati’y madalas Niyang sinasabihang: “Magaling! Tapat at mabuting alipin! Makihati ka sa Aking kagalakan!” Ang mga iba naman sa ati’y nakikita Niyang pinapanghinaan ng loob, at tayo ay binibigyan Niya ng inspirasyon at panibagong pag-asa. Ang mga ilan nama’y nakikita Niyang nagtratrabaho sa pamamagitan ng mga sarili nilang kalakasan…Ang mga iyon nama’y pinapagalitan Niya. At ang nakakalungkot, napakarami na nadaratnan Niyang tutulog-tulog o itinatago o hindi ginagamit ang mga talento nila…Para sa kanila’y matigas ang banal na boses Niyang nagbababala na: “Masama at tamad na alipin! … Bakit hindi mo iyan inilagak man lang sa bangko, eh ‘di sana’y may nakuha akong kahit katiting na tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang isang libo at ibigay sa may sampung libo. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.” Verses 26a, 27 – 30. Ang puso ng Panginoong Hesu-Kristo ay nasasa Kanyang trabaho; araw-araw ay binabantayan Niya iyon nang may matinding interes; huwag natin Siyang hiyain at panlumuhin at dayain natin ang mga sarili natin!

Sabi ‘nung tamad na alipin sa verse 25 (READ): Isang matinding aral para sa ating lahat ito na dapat nating masusing pag-isipan, na, ang taong may iisa lang na talento ang nabigo at napakatindi pang naparusahan. Nakikita ko ditong dapat na ang Iglesya natin ay dapat na maging mapagbantay, na huwag na hindi matutukan sa pagtuturo ang mga mahihina pa sa kaalaman at pananampalataya at kakaunti pa ang talento o kaalaman, at gayon din huwag na huwag nilang hahayaan na masayang ang mga talento nila, gaano man kaliit o kakaunti ang mga iyon! Sa pagtuturo ng dakilang katotohanang ang bawat sanga ay dapat na magbunga, espesyal na pagpapahalaga ang dapat na ilagay sa mapanganib na kaisipan, na maaasahan lang ang kasipagan sa mga masisipag at malalakas at malalago nang mga Kristiyano. Kung ang Katotohanan lamang ang dapat namamayani sa isang paaralan, iyong pinakabobong estudyante man ay dapat na pagtuunan ng espesyal na pagtuturong kapantay ng mga matatalino. Kaya’t dito rin sa Iglesya, isang mabuting pag-aalaga ang dapat na gawin, na ang pinakamahinang Kristiyano ay makatanggap ng espesyal na pagtuturo at pagsasanay, para sila rin naman, ay masayang makapagkaroon ng bahagi nila sa paglilingkod sa kanilang Panginoon at sa lahat ng mga pagpapalang dinadala ng mga iyon. Kung ang trabaho ni Kristo’y gagawin, wala kahit isang dapat na makalimutan!

Dugtong pa ‘nung tamad na alipin sa verse 24a at 25a (READ): Napakamaling mga pag-aakala patungkol sa Diyos! Na ang tingin sa paglilingkod sa Kanya ay isa Siyang walang pusong Panginoon! Ang mga iyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng hindi paglilingkod. Kung tunay na mangangalaga ang Iglesya sa mga mahihina, ‘yung bang mga iisa o iilan lang ang mga talento o ‘yung mga one-talent servants, na madaling panghinaan o may tendensing manghina dahil sa alam nilang kakulangan nila, kinakailangang iturong maige para maitanim sa mga kukote nila ang sinasabi ng Diyos patungkol sa kasapatan ng grace o kahabagan at ang sinasabi Niyang kaseguruhan ng pagtatagumpay. Kinakailangan nilang matutunang paniwalaan na ang kapangyarihan ng Espirito-Santong nasasa-kanila ay iniaakma sila sa trabahong kung saan sila tinawag ng Diyos. Kinakailangan nilang maunawaan na ang Diyos mismo ang magpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng Espirito Niya na nasasa-inner man. Kinakailangan nilang maturuan na ang pagtratrabaho ay isang kaligayahan at kalusugan at kalakasan. Ang hindi paniniwala ay nakabatay sa ugat ng katamaran. Habang binubuksan naman ng pananampalataya at paniniwala ang mga mata para makita ang pagpapala ng paglilingkod sa Diyos, ang kasapatan ng kinakailangang kalakasang ibinigay, at ang masaganang pagpapalang makakamtan. Hayaan nating magising ang Iglesya sa tawag sa kanya na turuan at sanayin ang pinaka-mahinang miyembro niya, na malamang inaasahan ng Panginoong Hesu-Kristo ang bawat naligtas at tinubos na mananampalataya para mamuhay nang ganap na ganap para sa trabaho Niya. Ito ang tangi at nag-iisang tunay na Kristiyanismo na punong-puno ng kaligtasan! (Itutuloy)

1 comment:

  1. In my e-mail, I indicated the above Devotionals as Day 1 & 2. Sorry, folks, it should be Day 3 & 4 in the series. My apologies, dear brethren. (JSF)

    ReplyDelete