Friday, November 27, 2009

Day 5 & 6 of Filipino Devotional Series By Bro. Major Dave Chavarria, PA


THURSDAY: ANG DIYOS-AMANG NANANAHAN SA AKIN ANG GUMAGAWA

John 5:17-20; 14:10


Nagkatawang-tao ang Panginoong Hesu-Kristo para maipakita Niya sa atin kung ano dapat ang tunay na tao, kung paanong ginusto ng Diyos-Ama na mamuhay at gumawa sa tao, at kung papaanong masumpungan ng tao ang buhay niya at gawin ang trabaho niya sa Diyos. Sa mga pananalitang iyon ng Panginoong Hesus, binuksan Niya ang inner mystery ng buhay Niya, at ipinakita at ipinakilala sa ating mga tao ang kalikasan at pinakamalalim na sekreto ng Kanyang paggawa. Hindi Siya naparito sa mundong ito para gumawa kapalit ng Ama, kundi upang ipakilala sa ating lahat na ang Ama ang patuloy gumagawa sa atin…gaya ng sinasabi Niyang: “Ang Aking Ama’y patuloy sa paggawa kahit na magpasa-hanggang ngayon!”
Ang ginawa ng Panginoong Hesus ang naging bunga, ang makalupang larawan o anino o earthly reflection ng Amang nasa langit na patuloy na gumagawa. At hindi iyon parang basta na lang nakita at ginaya lang ng Panginoon kung ano ang niloob o ginawa ng Ama, kundi, ayon na rin sa mismong sinabi Niya: “Ang Amang sumasa-akin ang gumaganap ng Kanyang mga gawain.”
Ginawa ng Panginoon ang lahat ng mga trabaho Niya nang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos-Amang nananahan at gumagawa sa Kanya! Ganap na ganap at tunay na tunay ang pag-depende o pag-asa Niya sa Ama, na, sa pagpapaliwanag Niya ng mga iyon sa mga Hudyo, matitinding mga pananalita ang mga ginamit Niya! Tingnan ninyo ang mga sinasabi Niya sa John 5:19 at 30: (READ). Kasing literal ng katotohanang sinabi Niya, na totoo din naman sa atin, na sinabi Niya sa John 15:5 na: (READ), gayon din katotoo iyon sa Kanya! Kaya inamin Niyang: “Ang Amang sumasa-akin ang gumaganap ng Kanyang mga gawain.”


Nagkatawang-tao ang Panginoong Hesu-Kristo para maipakita Niya sa atin kung ano dapat ang isang tunay na tao, kung ano ang tunay na pakikipagrelasyon sa pagitan ng Diyos at nating mga tao, at kung ano ang tunay na pamamaraan ng paglilingkod sa Diyos at paggawa ng Kanyang trabaho. Noong sandaling nagawa na tayong mga bagong tao kay Kristo-Hesus, ang bagong buhay na tinanggap natin ay ang mismong buhay na nasasa Panginoong Hesus, at sa pamamagitan lang ng pag-aaral natin ng naging buhay Niya dito sa mundo natin makikilala at madidiskubre kung papaano tayo dapat na tamang mamuhay! Sa mismong mga bibig Niya’y nanggaling ang mga pananalita na nakasulat sa John 6:57 na: (READ). Dito’y makikita nating ang lubos na pag-asa o dependence Niya sa Diyos-Ama ang Batas ng pag-asa o dependence natin sa Kanya at ng Ama sa pamamagitan Niya!


Hindi ibinilang o tiningnan ni Kristong kaabahan o kababaan o kahihiyan ang hindi maka-kayang makagawa nang sa sarili lang Niya, na palagi na lang na ganap na umaasa sa Ama. Ibinilang Niya iyong Kanyang pinakamataas na kapurihan at karangalan, dahil sa ang lahat ng mga nagawa at ginagawa Niya ay ang mga gawa ng all glorius o pinakamapuring Diyos na nasasa-kanya! Kailan ba natin mauunawaan na ang maghintay sa Diyos, ang sumuko sa Kanya sa ganap na kawalan ng kalakasan, at hayaan Siyang gawin ang lahat sa atin, ay ang ating tunay na nobility o dignidad, at sekreto ng pinakamataas na mga gawain o highest activity? Tanging iyon lamang ang tunay na buhay-Anak o buhay-Kristo, ang tunay na buhay ng bawat anak ng Diyos. Habang ang buhay na gayon ay nakikilala at namementena o napapanatili, ang kapangyarihan para gumawa ay lalago, dahil ang kaluluwa ay nasa estado o nasasa-paguugaling kung saan ang Diyos ay makakagawa sa atin, bilang ang Diyos na ... “gumagawa para sa kanya na nangaghihintay sa Kanya!” Ang kaignorantehan o kakulangan ng kaunawaan o pagwawalang-bahala sa mga matinding katotohanang walang magiging tunay na paggawa para sa Diyos kundi habang gumagawa ang Diyos sa atin, at ng katotohanang hindi makakagawa ang Diyos sa atin nang ganap na ganap kung hindi tayo namumuhay nang ganap na ganap na naka-asa sa Kanya, ang eksplanasyon o dahilan ng pang buong mundong reklamo ng napakaraming mga manggagawang-Kristiyano na gawa sila nang gawa, pero kakaunti lamang ang nagiging resulta o bunga.


Ang revival na inaasam at ipinapanalangin ng marami ay dapat na magsimula muna dito: ANG PAGBABALIK NG MGA KRISTIYANONG MINISTRO AT MGA MANGGAGAWA SA TUNAY NILANG KINALALAGYAN SA HARAPAN NG DIYOS—KAY KRISTO AT GAYA NI KRISTO, isang ganap na ganap na pag-asa at patuloy at nananatiling paghihintay sa Diyos na gumawa sa kanila!


Inaanyayahan ko kayong lahat, lalong-lalo na ang lahat ng mga manggagawang-Kristiyano, matatanda man o mga bata pa, matatagumpay man o hindi, mga punong-puno ng pag-asa o punong-puno man ng pagkatakot, NA LUMAPIT AT MATUTUNAN SA PANGINOONG HESUS ANG LIHIM O SEKRETO NG TUNAY NA PAGGAWA PARA SA DIYOS: “Ang Aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayon din Ako. Ang Amang sumasa-Akin ang gumaganap ng Kanyang mga gawain!” Nangangahulugan ang Divine Fatherhood na ang Diyos ang lahat-lahat, at Siya ang nagbibigay ng lahat-lahat at Siya ang gumagawa ng lahat-lahat! Nangangahulugan naman ang Divine Sonship na patuloy na pag-asa o pagdepende sa Diyos-Ama, at ang pagtanggap sa bawat sandali, ng lahat-lahat ng mga kinakailangang kalakasan para sa Kanyang Trabaho. Pagsumikapan at pilitin ninyong unawain ang matinding katotohanang dahil sa “ang Diyos-Ama ang gumagawa ng lahat-lahat sa lahat”, ang tangi at nag-iisang pangangailangan ninyo ay...sa buong kapakumbabaan at kahinaan o kawalan ng kakayahan, na maghintay sa Diyos at ganap na ganap na magtiwala sa Kanyang paggawa. Matuto kayo doon na makakagawa lamang ang Diyos-Ama sa atin kung nananahan Siya sa atin--“Ang Amang sumasa-Akin ang gumaganap ng Kanyang mga gawain”. Palaguin ninyo ang banal na kamalayan ng nagpapatuloy na presensiya at pagka-lapit ng Diyos sa inyo, ng inyong pagiging templo o tahanan Niya, at ng Kanyang pananahan sa inyo. Ialay ninyo ang mga sarili ninyo sa Kanya para gawin Niya sa inyo ang lahat ng mga naisin Niya. At makikita ninyong ang paggawa o pagtratrabaho, sa halip na maging balakid, ay maaaring maging ang pinaka-matindi o pinaka-dakilang mahihita o insentibo o magiging bunga sa isang buhay ng pakikipag-kaisa at ganap na ganap na pag-asa o child-like dependence.


Sa umpisa ay maaaring lumitaw na ang paghihintay sa Diyos para gumawa ay makakapigil sa inyong gawin ninyo ang gawain ninyo. Maaari nga--pero para lang madala ang mas malaking pagpapala, kapag natutunan na ninyo ang aral ng pananampalataya o lesson of faith, na umaasang ganap sa Kanyang paggawa kahit na hindi ninyo nararamdaman ang paggawa Niyang iyon. Maaaring magawa ninyo ang inyong trabaho sa kahinaan at ibayong pangamba. Pero, malalaman at matutuklasan ninyong ang lahat ng iyon, ay ang kagalingan o excellency pala ng kapangyarihan ng Diyos at hindi natin! Habang nakikilala ninyo ang mga sarili ninyong ganap na ganap at ang Diyos din na ganap na ganap, makukuntento na kayong dapat at kinakailangan palang--- ang kalakasan pala ng Diyos ang gawing ganap sa ating mga kahinaan!


FRIDAY: MAKAKAGAWA KA NANG MAS HIGIT PA! John 14:12-14


Sa mga pananalita ng Panginoong Hesus na, “Ang Amang nananahan sa Akin ang patuloy na gumagawa”, inilabas at ipinakilala na Niya ang sekreto Niya at ng lahat ng Banal na paglilingkod--ang pagsuko ng tao ng sarili niya para sa Diyos na manahan at gumawa sa kanya. Sa ipinangako na ngayon ng Panginoong, “Lahat ng mga naniniwala at nananampalataya sa Akin, ang mga gawang gagawin Ko, ay gagawin din nila”, ang batas ng Banal na paggawa ay nananatiling hindi nagbabago. Sa atin, gaya rin sa Kanya, maaaring masabi ng isang taong libong beses nang higit kaysa Kanya na, kailangang maging: ANG DIYOS NA NANANAHAN SA AKIN ANG SIYANG GUMAGAWA NG MGA GAWA. KAY KRISTO AT SA ATIN MAN, IYON AY “ANG IISANG DIYOS NA GUMAGAWA NG LAHAT SA LAHAT!”


Kung papaano ito dapat, ay itinuturo sa atin sa mga pananalitang, “Siyang naniniwala at nananampalataya sa Akin”. Hindi lang para sa kaligtasan ang ibig ipakahulugan niyon, bilang isang Tagapagligtas sa kasalanan, kundi mas higit pa. Kasasabi lang Niya sa verses 10 at 11 na: (READ). Kinakailangan nating maniwala at manampalataya kay Kristo bilang Siya at kung saan patuloy at walang patid na gumagawa ang Diyos-Ama. Ang maniwala at manampalataya kay Kristo ay ang tanggapin Siyang ganap sa puso. Kapag nakikita natin ang Diyos-Amang gumagawang hindi mapaghihiwalay na nakakunekta kay Kristong Anak Niya, matututunan nating ang maniwala at manampalataya kay Kristo, at tanggapin Siya sa puso, ay ang tanggapin ang Amang nananahan sa Kanya at gumagawa sa pamamagitan Niya. Ang mga gawang dapat gawin ng mga tagasunod Niya ay hindi at imposibleng magawa sa ibang pamamaraan maliban sa sarili Niyang kapamaraanan!


Mas nagiging maliwanag ito mula sa kung ano ang idinugtong sa mga pananalitang iyon ng Panginoon na: “At makakagawa pa siya nang mas higit pa sa mga ginagawa Ko; dahil pupunta Ako sa Ama.” Kung ano-ano ang mga mas higit pang mga magagawang iyon, AY KITANG-KITA! Ang mga tagasunod noong Pentekostes, ay 3000 ang nabawtismuhan, at napakarami pa pagkatapos niyon ang naidagdag sa Iglesya at sa Panginoon; si Phillip sa Samaria, kasama ang buong lungsod ay napuno ng kaligayahan; ang mga tao sa Cyprus at Cyrene, at pagkatapos doon, si Barnabas naman sa Antioch, na napakaraming mga tao ang tumanggap sa Panginoon at naidagdag sa Iglesya; si Pablo sa mga paglalakbay niya, at ang hindi mabilang at napangalanang mga lingkod Niya mula noon hanggang sa panahon natin ngayon, sa pangangalap ng mga kaluluwa, ay ginawa kung ano ang mas higit na ginawa ng Panginoon sa mga panahon ng Kanyang kababaan at kahinaan.


Ang dahilan kung bakit gayon ay nilinaw ng Panginoon sa sinabi Niyang: “Dahil pupunta Ako sa Ama.” Nang makapasok na Siya sa kaluwalhatian ng Ama, lahat ng kapangyarihan sa langit at dito sa lupa ay ibinigay nang lahat sa Kanya bilang ang Tagapagligtas natin. Sa isang pamamaraang mas maluwalhati pa kaysa sa dati, ang Ama ay gagawa sa pamamagitan Niya; at gagawa naman Siya, ang Panginoong Hesus natin, sa pamamagitan ng mga tagasunod Niya. Kahit na ang trabaho Niya sa lupa “noong mga panahon ng kahinaan ng laman”, ay nagmula sa isang kapangyarihang tinanggap mula sa Amang nasa langit, gayon din naman ang mga anak at tagasunod Niya, sa mga kahinaan nila, ay gagawin ang mga trabahong gaya nang sa Kanya, at mas higit pang mga trabaho sa gayon ding mga kaparaanan, sa pamamagitan ng isang kapangyarihang tinatanggap na mula sa langit. Ang Batas ng banal na pagtratrabaho ay hindi mababago kailanman: ang trabaho ng Diyos ay magagawa lang ng Diyos mismo! Yaon ay habang nakikita natin ito kay Kristo, at tanggapin Siya sa ganitong kapasidad at pagkakakilala, bilang Siyang sa, at sa pamamagitan Niya, na ginagawang lahat ng Diyos mismo ang lahat-lahat, at sa pagsuko nating ganap ng mga sarili natin sa Amang nagtratrabaho at gumagawa sa Kanya at sa atin, ay makakagawa tayo ng mga mas higit na mga trabaho at gawain kaysa sa Kanya!
Inilalabas ng mga sumunod na mga pananalita nang mas matindi pa ang mga dakilang katotohanang pinag-aaralan natin, na iyo’y ang Panginoon natin mismo ang gagawa ng lahat sa atin...SA ATIN at HINDI PARA SA ATIN, gaya rin ng ginawa ng Diyos-Ama sa Kanya; at ang tatayuan nating lahat ay dapat na maging eksaktong kung ano ang tinayuan Niya...katayuan ng isang buong ganap na pagtanggap at ganap na ganap na pag-asa o dependence. “Greater works shall he do, because I go to the Father, ang whatsoever ye shall ask in My name, that will I do.” Ikinukunekta ng Panginoong Hesus ang mas higit na matitinding trabahong dapat na gawin ng mga mananampalataya, kasama na ang pangakong gagawin Niya ang kahit na anong hilingin sa pangalan Niya ng mga mananampalataya. Ang pananalangin sa pangalan ni Hesus ang siyang magiging pagpapakita ng pag-aasa o pagdedependeng naghihintay sa Kanya para sa paggagawa o pagtratrabaho Niya, kung saan ibinibigay Niya ang pangakong: “Ano man ang hingin ninyo, gagawin Ko, sa inyo at sa pamamagitan ninyo”. At sa pagdagdag Niya ng mga pananalitang, “that the Father may be glorified in the Son”, “para mabigyan ng kapurihan at karangalan ang Ama sa pamnamagitan ng Anak”, ipinapaalala Niya sa atin kung papaanong nabigyan Niya ng kapurihan at karangalan ang Ama, sa pamamagitan ng ganap na pagsuko sa Kanya, para gawin at trabahuhin ang lahat ng mga trabaho Niya sa sarili Niya bilang Anak. Maski na sa langit ay patuloy pa ring bibigyan ng kapurihan at karangalan ng Panginoon ang Ama, sa pamamagitan ng pagtanggap mula sa Ama ng kapangyarihan, at sa pagtratrabaho Niya sa mga alagad Niya ng mga kung ano ang gagawin ng Ama. Ang nilalang o ang tao...TAYO, gaya rin naman ng Anak mismo, ay hindi makakapagbigay ng mas mataas na papuri at parangal maliban sa pagsuko ng lahat sa Kanya para gawin ang lahat-lahat. Hindi mabibigyan ng kapurihan at karangalan ng mananampalataya ang Diyos-Ama sa ibang paraan maliban nang sa pamamagitan ng Anak, sa pamamagitan ng isang ganap na ganap at walang patid na pagdepende sa Anak, kung saan gumagawa ang Ama, para makapag-usap at masabi sa atin at magawa sa atin ang lahat ng trabaho ng Ama. Kaya’t pakatandaan ninyo ang sinabi Niyang, “Ano man ang hingin ninyo sa pangalan Ko, ibibigay Ko”, at makakagawa kayo ng mga greater works o mas higit pang mga trabaho kaysa sa mga nagawa Ko!


Nawa’y pagsumikapan ninyong lahat na mga mananampalataya na matutuhan ang isang banal at pinagpalang aral. DAPAT KONG GAWIN ANG MGA TRABAHONG NAKIKITA KONG GINAGAWA NG PANGINOON KONG SI KRISTO: MAAARI PA NGANG MAKAGAWA AKO NG MGA MAS HIGIT PANG MGA TRABAHO HABANG NANANATILI AKONG NAKASUKONG GANAP SA KANYA NA ITINAAS SA TRONO O EXALTED ON THE THRONE, SA ISANG KAPANGYARIHANG WALA PA SA KANYA NOONG NANDITO PA SIYA SA LUPA: MAAARI AKONG MAKA-ASA SA KANYANG GUMAGAWA SA AKIN NANG NAAAYON SA KAPANGYARIHANG IYON! ANG IISANG PANGANGAILANGAN KO AY ANG ISPIRITO NG PAG-ASA AT PAGHIHINTAY, AT PANANALANGIN AT PANANAMPALATAYA, NA SI KRISTONG NANANAHAN SA AKIN AY GAGAWIN ANG MGA TRABAHO AT KAHIT NA MASKI ANO PA MAN ANG HINGIN O HILINGIN KO!
(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment