Kaibigan, Handa Ka Na Ba?
I. Nilikha kang kawangis ng Diyos
Sa kabanalan pag-ibig at taos
Biyayang sagana mandi'y pinuspos
Maluwalhating Eden ligaya ay lubos.
II. Ang tao'y mapaghangad, kay taas mangarap,
Ang alabok lumilipad sa ulap lumampas,
Walang pasentabi puso'y naging mapangahas,
Buhay niya't kaluluwa alipin ng dahas.
III. Ang langit kagya't na nagdilim, Dilim ng gabi ang dala ay lagim, Ang hatol na nakamit apoy na nagngangalit, Yaman at ligaya naging pait at sakit.
IV. Ikaw sa langit di ka ba titingala, Di ba bubulayin kung ano na ang nagawa, Mahirap bang tanggapin salat kang talaga; Sa hukuman papaano haharap sa Kaniya.
V. Iyo bang narinig sa Dios ay ang pagtawag; Aral ng sugo sa puso ba'y nagkapitak?
Bayaan ang puso matanggap ang lahat; Hamak na kaluluwa'y maging kaniyang anak.
VI. Di magluluwat ang paghuhukom ihahayag na; Araw ng kasawian, araw din ng galak at saya. Natitiyak mo ba sa lumikha ikaw ay haharap na, Kaibigan, kaligtasan mo, handa ka na ba?
Ang Aking Dalangin
I. O, Diyos, dalangin ko ay pakinggan, Maraming bagabag sa dibdib ko'y ibsan, Tunay nga pong ikaw ay aking kailangan; Lalo na po sa panahon ng kalituhan at kagipitan.
II. O Diyos, ako ngayon sa pagsubok ay dumaraan ; Hangad ko po na ito ay mapagtagumpayan,
Kaya nga po Diyos huwag akong layuan; Kung ang lingkod mo'y mabuwal, sana ay damayan.
III. Di ko po nais kalooban mo'y sagkaan, Kung ano po ang ibig mo sa akin ay iyong turan ;
At kung lahat na ito, mahirap kong maunawaan; Karunungang kailangan ko, Iyo nawa akong bigyan.
IV. O Diyos, lahat ng ito'y kaya kong pagtiisan; Mga alituntunin mo'y akin nang iingatan, Kung akong lingkod mo bawa't sandali'y aalalayan; Mga balakid sa daan, di ako pagtatagumpayan.
Mula sa panulat ni Bro. Rudy Galdones,
Elder ng Balbalino-Baybayabas Chruch of Christ
Guimba, Nueva Ecija
No comments:
Post a Comment