Monday, March 22, 2010

Devotional Series @Lenten Season: PAGGAWA PARA SA DIYOS (Part B)


PANANAMPALATAYANG GUMAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAG-IBIG
Galatians 5:6; 13

Walang panlabas na pribilehiyo sa Panginoong Hesu-Kristo. Maaaring makapagyabang ang mga Hudyo dahil sa mga tuli sila, ang palatandaan ng covenant o testamento o katibayan o pangako ng Diyos sa kanila. Maaari namang makapagyabang ang mga Hentil na kahit na hindi sila tuli ay may pases na silang makapasok sa Kaharian ng Diyos nang malaya sa Batas ng mga Hudyo o Jewish Law. Wala nang ibang mahalagang kakailanganin pa para pumasok sa langit, maliban sa kung ano lang ang sinasabi sa Galatians 6:15 patungkol sa pagiging isang bagong nilalang, kung saan ang mga luma o dati nang mga bagay ay nakalipas na, at ang lahat ay naging bago na. O kaya naman, gaya ng nasa teksto natin, bilang paglalarawan ng buhay ng bagong tao o nilalang na iyon, na pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig, na nagtutulak sa ating sa pagmamahal ay mangaglingkuran sa isa’t-isa!

Anong isang ganap na pagsasalarawan ng isang bagong buhay! Una, ay meron kayong isang pananampalataya, bilang ang ugat, na nakatanim at naka-ugat kay Kristo-Hesus. Pagkatapos ay pangalawa, bilang layunin niyon, meron kayong mga trabaho, bilang ang bunga. At pagkatapos, sa pagitan ng mga iyon...’nung ugat at bunga, bilang ang puno, na lumalaki pababa sa ugat at nagbubungang paitaas, meron kayong pag-ibig, na merong dagtang nagbibigay-buhay na dumadaloy mula sa ugat tungo sa mga dulo ng sanga na sa pamamagitan niyo’y nagbubunga! Hindi na natin kinakailangan pang talakaying mas malalim ang pananampalataya dito. Kasi, nakita na natin kung papaanong ang paniniwala at pananampalataya kay Kristo-Hesus ang gumagawa ng mga mas malalaki at mas mahihirap na mga trabaho; kung papaanong ang paniniwala sa bagong paglalang, at sa pagtratrabaho ng Diyos ng trabaho Niya sa atin, ang sekreto ng lahat ng mga trabaho. Hindi na rin natin kinakalangan pang talakayin ang patungkol sa mga trabaho, kasi ang layunin sa seryeng ito ay ang masegurong mailalagay ang mga trabahong iyon sa bawat puso at buhay na meron sila sa puso ng Diyos at sa mga Banal Na Mga Salita Niya.

Ang dapat nating masusing pag-aralan ngayon ay ang dakilang katotohanang ang lahat ng mga trabaho ay maging pag-ibig, na hindi magagampanan ng pananampalataya ang trabaho niya kundi nang sa pamamagitan ng pag-ibig, na walang trabahong makapagkakaroon ng halaga o importansiya kundi iyon nagmumula nang sa pag-ibig, at, na ang pag-ibig lang ang siyang tanging sapat na kalakasan para sa lahat ng mga trabahong kinakailangan nating gawin!

Ang kapangyarihan para sa pagtratrabaho ay pag-ibig. Pag-ibig lang ang siyang tanging nagpakilos sa Diyos na magtrabaho sa paglalalang at pagliligtas. Pag-ibig ang siyang tanging nagbigay-kakayahan sa Panginoong Hesu-Kristo bilang Tao para magtrabaho at magdusa gaya ng ginawa Niya. Pag-ibig lang ang siyang tanging makakapag-inspira sa ating kapangyarihan ng isang self-sacrifice o pansariling-sakripisyo na hindi hinahanap ang para sa sarili lang niya kundi ang kahandaang mabuhay at mamatay para sa iba. Pag-ibig ang siyang tanging nagbibigay sa atin ng pagtitiyagang hindi naiiinip. Pag-ibig ang siyang tanging umuunawa at nagbibigay ng kalakasan sa mga nawawalan na ng loob at pag-asa. Para sa mga sarili natin at para sa mga pinagtratrabahuhan natin, ang pag-ibig ang tanging kapangyarihan para magtrabaho. Umibig tayo gaya ng pag-ibig ni Kristo sa atin!

Ang kapangyarihan para sa pag-ibig ay pananampalataya. Nag-uugat ang buhay ng pananampalataya sa buhay ng Panginoong Hesu-Kristo, na puno ng pag-ibig. Alam ng pananampalataya, kahit na hindi natin ganap na makilala, ang napakagandang kaloob o regalong naibigay sa mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritong ikinakalat sa buong mundo ang pag-ibig ng Diyos. Ang bukal sa lupa ay maaaring madalas na nakatago o pinipigil. Hanggang sa iyo’y buksan, hindi makakadaloy ang fountain o bukal ng tubig palabas. Alam ng pananampalataya na merong isang bukal ng pag-ibig sa pagkatao natin na makakadaloy tungo sa buhay na walang-hanggan, na makakadaloy papalabas na gaya ng rivers of living waters. Sineseguro tayo niyon na makaka-ibig tayo, na meron tayong isang banal na kapangyarihang umibig na nasasa-pagkatao natin, bilang isang hindi makakailang kaloob para sa bago nating pagkatao o pagiging bagong tao!

Ang kapangyarihang maisagawa at maipakita ang pag-ibig ay trabaho o gawa. Walang kapangyarihang nasa isip lang...nangyayari lang iyon kapag at habang iyon ay isinasagawa...There is no such thing as power in the abstract! It only acts as it is exercised! Power in repose cannot be found or felt! Ang kapangyarihang natutulog ay hindi makikita at hindi mararamdaman! Totoong-totoo ito sa mga kahabagang-Kristiyano o Christian graces, na mga nakatago sa kalagitnaan ng kahinaan ng likas na kalagayan natin. Sa pagtratrabaho lang natin malalaman nating meron pala tayong pag-ibig! Ang isang kahabagan ay dapat na inilalagay sa gawa o isinasagawa dahil kung hindi ay hindi tayo makakapagsaya o hindi tayo makakapagkaroon ng kasiyahan sa pagkakaroon niyon. Ito ang hindi mailagay sa salita o masabing pagpapala ng pagtratrabaho para sa Diyos, na gumagawa doong isang pangangailangan sa isang malusog na buhay-Kristiyano na gumigising at nagpapalakas sa pag-ibig at nakakagawa sa ating mga partakers o mga nagpapasasa ng kaligayahan niyon.

Pananampalatayang gumagawa nang dahil sa pag-ibig o pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig--sa Panginoong Hesu-Kristo, wala nang meron kundi ito! Mga nagtratrabaho para sa Diyos, paniwalaan at panampalatayanan ninyo ito! Isagawa ninyo! Pasalamatan ninyong marami ang Diyos para sa bukal ng walang hanggang pag-ibig na binuksan sa katauhan ninyo! Manalangin kayo nang mataimtim at napakadalas na nawa’y palakasin kayo ng Diyos ng napakalakas sa pamamagitan ng kalakasan at kapangyarihan ng Banal na Espirito Niya sa katauhan ninyo, para, nang si Kristo’y nananahan sa inyo, maging naka-ugat at nakatanim kayo nang napakalalim sa pag-ibig. At ipamuhay ninyo ngayon ang pang araw-araw na buhay ninyo, sa mga tahanan ninyo, sa lahat ng mga pakikisalamuha ninyo sa mga tao, sa mga trabaho at pinagtratrabahuhan ninyo, sa mga eskuwelahan ninyo, bilang isang buhay ng Banal na pag-ibig! Ang mga pamamaraan ng pag-ibig ay napaka-gentle o napaka-hinahon at maka-langit, na maaaring hindi ninyo agad maramdaman at matunan kaagad nang sa isang karanasan lang iyon. Pero maging of good courage kayo...huwag kayong manghina! Maniwala at manampalataya lang kayo sa kapangyarihang gumagalaw at nagtratrabaho sa inyo, at isuko ninyo ang mga sarili ninyo sa paggalaw at pagtratrabaho ng pag-ibig, at siguradong-siguradong matatamo ninyo ang tagumpay!

Ang pananampalatayang nagtratrabaho sa pamamagitan ng pag-ibig---kay Kristo-Hesus, wala nang meron kundi ito. Hayaan ninyong maisiksik ko sa mga utak ninyo ang mensaheng ito, pati na doon sa mga hindi pa kailanman o nag-uumpisa pa lang na maka-isip na magtrabaho para sa Panginoong Diyos. Makinig kayong mabuti at matama!

Utang ninyo ang lahat-lahat sa pag-ibig ng Diyos! Ang kaligtasang natanggap ninyo ay pag-ibig na lahat! Ang tanging nasa ng Diyos ay ang mapuno Niya kayo ng pag-ibig Niya. Para sa sarili Niyang kasiyahan, para sa inyong kaligayahan, para sa pagliligtas ng mga tao. Ngayon, tatanungin ko kayo, HINDI BA NINYO TATANGGAPIN ANG NAPAKAGANDA AT NAPAKADAKILANG ALOK NA ITO NA MAGING PUSPOS NA PUSPOS AT PUNONG-PUNO NG PAG-IBIG NIYA? Oh, lumapit kayo ngayon at ibigay na ninyo nang buong-buo ang buhay at puso ninyo sa kaligayahan at kasiyahan at paglilingkod ng pag-ibig Niya. Paniwalaan ninyong ang bukal ng pag-ibig ay nasasa-inyo...magsisimulang dumaloy iyon habang nagbubukas kayo ng madadaluyan niyon sa pamamagitan ng mga gawain o trabaho ng pag-ibig. Anumang trabaho para sa Diyos ang susubukan ninyong gawin, pagsumikapan at hanapan ninyong malagyan ng pag-ibig iyon. Manalangin kayo para sa isang espirito ng pag-ibig. Ibigay ninyo ang mga sarili ninyong mamuhay ng isang buhay ng pag-ibig...na isipin ninyo kung papaano ninyo maiibig at mamamahal ang mga nasa paligid ninyo, sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila, sa paglilingkod sa kanila, sa pagsisikap para sa mga kapakanan nila, mapa sa ispirituwal o temporal man. “FAITH WORKING BY LOVE IN CHRIST-JESUS, THIS ALONE AVAILETH MUCH!” (May karugtong)

Friday, March 19, 2010

Devotional Series @Lenten Season: PAGGAWA PARA SA DIYOS (Part A)






Blogger's Note: As Lenten is fast-approaching, I would like to feature a series of Tagalog Devotionals here in my Blog, authored by fellow Christian journalist Bro. Dave Chavarria. All for His glory!




MAGTRABAHO KA, DAHIL TRUMATRABAHO ANG DIYOS SA IYO!
Philippians 2:12-13

Nakilala na natin kung ano talaga ang kaligtasan, na iyo’y ang pagiging sariling lalang tayo ng Diyos, na nilalang Niya tayo kay Kristo-Hesus para sa mabubuting mga gawa. Nagtapos tayo noong nakaraan sa hamong, bilang isa sa pinakang kinakailangang elemento niyon, lahat ng mga nakatalagang mga mabubuting mga gawang inihanda na ng Diyos bago pa man tayo ipinanganak, ay dapat nating lakaran! Sa kaisipang iyon, makikita at maliwanag na mauunawaan natin ang totoo at buong kahulugan ng teksto natin. Trabahuhin ninyo ang sarili ninyong kaligtasan, nang naaayon sa gustong mangyari ng Diyos...isang paglakad sa lahat ng mga mabubuting mga gawa na inihanda Niya para sa inyo! Pag-aralan ninyong mabuti para malaman ninyo kung ano talaga ang kaligtasang inihanda ng Diyos para sa inyo, lahat ng mga ibig Niyang mangyari at ginawa Niyang posible para maligtas kayo, at trabahuhin ninyo iyon nang may pagkatakot at panginginig o fear and trembling. Hayaan ninyong ang kadakilaan o greatness nitong Divine o maka-Diyos at pinakabanal na buhay, na nakatago kay Kristo, ang sarili ninyong impotence o kawalan ng kakayahan, at ng mga teribleng panganib at tuksong mga nakaharap at kakaharapin ninyo, ang magpatrabaho sa inyo nang may pagkatakot at panginginig.

Pero, ang pagkatakot namang iyon ay hindi dapat na maging dahil sa unbelief o pagkawala nang pananampalataya at paniniwala, ni ang panginginig nama’y nang dahil sa panghihina o discouragement, DAHIL, ang Diyos ang Siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban! Naririto ang sekreto ng isang kapangyarihang sapat na sapat para sa lahat ng mga trabahong gagawin natin, pati na rin ang sekreto ng perpektong kaseguruhan at pag-asa o perfect assurance na magagawa natin ang lahat ng mga tunay na gusto ng Diyos na gawin natin. Nagtratrabaho ang Diyos sa atin, “both to will and to work”... “nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban”! Una, “to will” o “magnasa”: Nagbibigay Siya sa inyo ng insight, o nagtatanim Siya sa isip ninyo ng mga bagay-bagay sa mga kung ano-ano ang kinakailangang mga gawin, mga pagnanasang nagpapatrabaho nang may ibayong kasiyahan, hindi matitinag na layunin ng pagnanasang magtrabaho na nagpapagalaw sa katauhan natin at pinapaginghanda iyon at sabik na sabik na magtrabaho. At pagkatapos ay, “to work”, pinapagtrabaho. Hindi Siya nagtratrabaho sa atin para magnasa tayong magtrabaho, at pagkatapos ay iiwan na lang Niya tayo para gawin ang lahat nang sa sarili lang natin. Kasi, maaari ngang nakita ng pagnanasa natin at tinanggap niyon ang trabahong itinanim Niya sa isip natin para gawin, pero kulang naman ang kakayahan natin para makagawa. Sa binagong “will” o pagnanasang nakasulat sa Romans 7, ang tao ay nasisiyahan sa Kautusan o Batas ng Diyos, pero wala naman siyang kakayahang gawin o magampanan iyon, hanggang sinabi sa Romans 8:2-4 na sa pamamagitan ng batas ng Espirito ng Buhay kay Kristo-Hesus, pinalaya na siya sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan, kaya ang unang tanong ay...maaari bang maganap ang katuwiran ng batas sa kanya, bilang isang taong lumalakad at nabubuhay hindi nang naaayon sa laman kundi nang sa Espirito? (READ PASSAGES FROM ROMANS 7 AND ROMANS 8)

Isang napakatinding dahilan ng kabiguan ng mga mananampalataya sa mga trabaho nila para sa Diyos ay dahil sa kapag iniisip nilang merong ibinigay sa kanilang pagnanasa o will ang Diyos, ay iniisip nilang gampanan ang trabahong iyon nang naaayon sa kakayahan ng pagnanasa nilang iyon. Hindi nila kailanman natutuhan ang aral na dahil nilalang tayo ng Diyos kay Kristo-Hesus para sa mga mabubuting gawa, at matagal nang nakahanda ang mga mabubuting mga gagawing iyon sa kapamaraanang dapat nating lakaran, kinakailangang Siya at talagang Siya lang, ang mismong gumawa o magtrabaho ng lahat ng mga iyon sa atin! PUMAPAPEL SILANG DIYOS! Hindi nila kailanman pinakinggan ang tinig na nagsasalita sa kanilang, “ANG DIYOS ANG PATULOY NA GUMAGAWA NG LAHAT SA INYO”!

Naririto sa atin, ang isang pinakamahalaga, pinakamalalim at pinaka-espirituwal sa lahat ng mga katotohanang nakasulat sa Bibliya---ang walang patid at nagpapatuloy na operasyon o pagtratrabaho ng Pinaka-Makapangyarihang Diyos sa puso at buhay nating lahat. Bilang pagkilala sa tunay na nature o kalagayan ng Diyos, bilang isang Spiritual Being o kalikasang-Espiritong hindi nakatigil o namamalagi sa iisang lugar o dako lang, kundi nasasa-lahat ng dako o kahit na saan man, walang makakapagkaroon ng isang espirituwal na buhay kung hindi iyon ina-upheld o sinusuportahan ng personal Niyang indwelling o pamumuspos Niya!

Hindi nang walang napakamalalim na kadahilanang sinasabi ng Bibliya na, nagtratrabaho Siya sa lahat! Hindi lang sa Panginoong Hesu-Kristo ginawa ang lahat ng mga bagay bilang ang Una nila, at sa Kanya bilang ang wakas nila, kundi rin sa pamamagitan Niya, na Siyang tanging nagmementena o humahawak o nangangalaga sa kanila.

Sa Taong si Kristo-Hesus, ang pagtratrabaho ng Diyos-Ama sa Kanya ang siyang pinanggagalingan ng lahat ng mga ginawa Niya. Sa bagong tao, na nilalang na bago kay Kristo-Hesus...tayo iyon, ang walang patid na pag-depende o pag-asa natin sa Ama ang pinakamataas na pribilehiyo natin at tunay na nobility o dignidad natin. Ito ang tunay at totoong fellowship o pakikipag-isa o pakikipag-kaibigan sa Diyos: “ANG DIYOS ANG MISMONG NAGTRATRABAHO O GUMAGAWA SA ATIN PARA MAGNASA AT GUMAWA! GOD HIMSELF IS WORKING IN US TO WILL AND TO DO!”

Pagsumikapan nating pag-aralan ang tunay na sekreto ng paggawa o pagtratrabaho para sa Diyos. Hindi iyon kagaya ng iniisip ng karamihan, na gawin natin ang lahat nang makakaya natin at pagkatapos ay ipasa-Diyos na natin ang ibang hindi natin kaya…we do our best, and then leave God to do the rest! MALI IYON! BY NO MEANS! Dapat ay ganito: na alam nating ang pagtratrabaho ng Diyos ng kaligtasan Niya sa atin ang sekreto ng pagtratrabaho o paggagawa natin niyon…we know that God’s working His salvatin in us is the secret of our working it out! Kasama sa kaligtasang iyon ang bawat trabahong kinakailangan nating trabahuhin o gawin. Ang pananampalataya sa pagtratrabaho ng Diyos sa atin ang sukatan ng kakayahan o kalakasan nating magtrabaho para sa Kanya nang epektibo o matagumpay. Ang mga pangakong, “According to your faith be it unto you”, at “All things are possible to him that believeth”, ay may ganap na mga aplikasyon o mapaggagamitan dito. Mas malalim ang pananampalataya at paniniwala natin sa paggawa o pagtratrabaho ng Diyos sa atin, mas malaya at mas masagana ang pagtratrabaho ng kapangyarihan Niya sa atin, at mas tunay at napakamabunga ang magiging mga kalalabasan ng pagtratrabaho natin!

Hayaan ninyong tanungin ko kayo…lalong-lalo na kayong mga manggagawa ng Panginoon sa ubasan Niya: “Tunay na bang napaniwalaan na ninyong ang tanging kapangyarihan ninyong magawa ang trabaho ng Diyos ay bilang isang taong nilalang kay Kristo-Hesus para sa mabubuting mga gawa, bilang isang taong kung saan nagtratrabaho ang mismong Diyos para magnasa at gumawa? Naisuko na ba ninyo ang mga sarili ninyo na maghintay sa gayong klase ng pagtratrabaho? Nagtratrabaho ba kayo nang dahil sa alam ninyong nagtratrabaho ang Diyos sa inyo? Huwag ninyong sabihing ang mga pananalitang ito ay napakataas. Totoo ngang ang pag-aakay sa mga batang kaluluwa kay Kristo ay napakataas para sa atin, pero kung mamumuhay tayong parang mga batang paslit, sa paniniwalang tratrabahuhin ng Diyos ang lahat sa atin, siguradong-siguradong gagawin natin ang mga trabaho Niya sa Kanyang kapangyarihan. Ipanalangin ninyong napakataimtim na matutuhan at magampanan ninyo ang aral na, sa lahat ng mga gagawin at tratrabahuhin ninyo: “MAGTRABAHO KA, DAHIL TRUMATRABAHO ANG DIYOS SA IYO!”

Sa pagtatapos, una, palagay ko’y nagsisimula na nating maramdaman na ang espirituwal na kamalayan ng dakilang katotohanang, “GOD WORKETH IN YOU”…“PATULOY NA GUMAGAWA ANG DIYOS SA IYO”, ang kung ano ang napakalaking pangangailangan ng lahat ng mga manggagawa!

Pangalawa, gusto kong iwan sa inyong mapagbubulay-bulayan na ang Banal na Espirito ang pinakamatinding kapangyarihan ng Diyos, na nananahan sa mga mananampalataya para sa buhay at para sa pagtratrabaho. Hilingin ninyong napakataimtim sa Diyos na ipakita Niya sa inyo iyon, na sa lahat ng mga paglilingkod natin, ang unang-unang pagsumikapan natin ay dapat ang araw-araw na renewing o pagpapanariwa ng Banal na Espirito!

Pangatlo, tuparin at sundin natin ang utos na mapuno ng Banal na Espirito. Maniwala sa Kanyang indwelling. Maghintay para sa Kanyang pagtuturo. Sumuko sa Kanyang pangunguna. Manalangin para sa makapangyarihan Niyang pagtratrabaho. At mamuhay sa Espirito!

At pang-apat, anong katinding kapangyarihan ng pagtratrabaho ng Diyos na nasasa-atin na kayang-kaya nating magawa! Kaya lang, magbigay-daan tayo sa kapangyarihang iyon na nagtratrabaho sa atin! (Itutuloy)

Sunday, March 14, 2010

Forum 4 : 2nd Batch of ICCM Graduates Under CHED-Accreditation



































ICCM Chapel, 13 March 2010. Seven candidates for graduation were honored today in a simple commencement exercises held at the ICCM campus. They are Roldan D. Anonuevo, Armando R. Avenido, Jr., Melendre B. Bornalo, Ronillo P. Cruz, Rene S. Gaytano, Ma. Cherie Ann A. Tuliao, and Edezel S. Vedeja. Everybody, except Mr. Avenido, Jr. who was conferred with Bachelor in Christian Service (major in Outreach), received Bachelor of Theology degree, with majors in Education and Ministry. The graduation theme was “Ready to Serve”, a denotation of the graduates’ readiness to enter into the field of mission.


Guest speaker was Prof. Ian Stomp, chair of Kingdom’s Ambassador (USA), the ICCM’s major donor and partner in running this bible college. Another guest professor from America, Prof. Jeff
Chamberlain also graced this occasion. ICCM academic dean Ross Wissmann took the lead in the graduation ceremonies, while Music Department chair Dr. Cheryl Wissmann took care of the choral ensemble rendition during the ceremony, with the unique ICCM Prime Chime, the college’s version of Philippine’s famous Pangkat-Kawayan. ICCM president Prof. Arthur Santiago also spoke during graduation, while this reporter in his capacity as ICCM-BOT chair did the conferral of degrees among the seven graduates.


The graduation ceremonies were capped through a simple lunch fellowship for some 150 total attendees. (JSF)

Saturday, March 13, 2010

Forum 3: Bonding Moments with GE@Davao





















To take advantage of my official trip/business in Davao City, this blogger looked into meeting frat-brethren in the area, as membership to this fraternal organization has been part of my lifestyle. Of brethren I initially contacted, it was young brod, Eman Evangelio who expressed brotherly zealousness of having brief bonding moments while in the city.


Earlier in the PMCP conference, I spotted a few brods like Bro. Reyson Raymundo, Sis. Myleen R. Corpuz (ISU), Bro. Toto and Sis. Beth Paner (UPLB), and a long-time brod/colleague from UPLB Bro. Boni Cayabyab (who insisted me to join him at his room at Grand Regal Hotel, gratis et. al). (I stayed for my first 2 nights in Davao at DA-BAI Guesthouse in Wireless, Davao, being on a budget trip ;-D)
Thus, on my last night in Davao, we, GE group decided to dine in the famous seafood resto called Luz Kinilaw, where I met some 7 brethren. Others took dinner somewhere as they got invitation from professional colleagues in the area. After dining, the group led by host brethren took us to a place called Victoriano's where a live band played with singers, a really perfect venue to relax while bonding together. As most of us were already connected online, we talked nothing but the frat issues in the GE sites. The Oct. 22 - 24, 2010 3rd GE NatCon was also talked about, as the venue is close to Davao, and many brethren may be able to attend. Bro. Omie Sandrejas of UP Mindanao joined the night, but leave ahead of us because of his work the following day. Bro, thanks for sharing your blessings to our group, it was greatly appreciated.

Unexpectedly, a man who introduced himself as "Falcon" member approached us, after hearing a song dedicated to the Gamma Epsilon Fraternity. (Customers at V-Place were free to dedicate or make announcement through the leader of the band). After some exchanges of pleasantries, it was learned that the man (sorry, no one got his name) is a municipal councilor of Baruella, Compostella Valley, and an alumnus of Univ. of Mindanao (Davao City).

In Davao, curfew (among establishments) is until 2 AM. . . and my gosh, I was the last one to leave the place. (I kept on waiting for Bro. Boni, my roomate, to follow, only to know that he was already fast asleep, lol.) Regardless, it was another memorable night in the life of Gamma Epsilon @ Davao. Pax et bonum! (Bro. Josh Blogs)

Forum 2: PMCP 41st Anniversary and Annual Scientific Conference













































Agriculture-based scientific conference on pest management was conducted in Waterfront Hotel, Lanang, Davao City on 9-12 March, 2010 under the auspices of the Pest Management Council of the Philippines (PMCP), as co-sponsored by Bioversity International (BI) and the Department of Agriculture, Region 9 (DA-RFU IX).

This year's theme of the conference is Biodiversity Conservation through Science-based Pest Management, as jointly organized by PMCP's constituent associations like Philippine Phytopathological Society (PPS), Weeds Science Society (WSS), Philippine Association of Entomologists, Inc. (PAE), Pest Control Association of the Philippines (PCAP), Crop Protection Association of the Phils. (CPAP), and the Phil. Integrated Crop Management Association (PICMA).
As in previous conferences, some papers were presented in the Plenary Sessions, others were on Concurrent Sessions and via Poster presentations. Fellowship and banquet nights were also scheduled as venue of exchanges between and among professional colleagues.


Pests as academically defined are composed of insects and mites, fungi and similar micro-organisms, weeds, and vertebrate pests like rodents. And the entire concepts, state and directions in pest management were tackled in this forum as these relate to one of the burning issue of this time, biodiversity conservation.


Photo collage above speaks for itself the highlights of this PMCP scientific conference. (JSF Blogs)